Friday, August 25, 2006

McDonald's 1

Sa isang halos araw-araw nadadaanan ang McDonald's at tila nanawa na sa simpleng pagtunghay lang dito, at naumay na rin sa halos buong panahong pagkahumaling dito lalo noong unang inilagak ang branch nito sa may malapit sa Sta. Cruz Church sa Carriedo, hindi ako makapaniwalang kumakain pa rin ako ng McDo.

Kahit narinig ko na sa mga kasama ko ang kasamaang dulot ng hindi matunaw-tunaw na burger, fried at beef patty sa tyan, ang paninira nito sa puri ng kalikasan at ang simpleng katotohanang junk food ito at tyak na isang malaking pakana ng mga kapitalistang ganid, natatakam pa rin ako at buong panahong nagkukumahog para lamang makatikim nito kahit isang beses isang linggo.

Pero hindi ngayong linggo. Simula noong dumating ako mula sa Pilipinas, halos araw-araw ko yatang pinupuntahan ang McDo at masayang kumakain. Paborito ko ang Big Mac kahit pa talagang masamang cholesterol lang naman ang idudulot nito sa akin. Paminsan-minsan na lamang sa Coke na nakapanlilinis ng makina ng sasakyan kasi meron naman silang Fruit Punch at Iced Mocha na tyak ding magpapataas sa aking blood sugar.

Hindi ako masaya sa french fries at Mcnuggets kasi walang tinapay although masarap talaga ang mga recent pakana nilang sauce tulad ng malay satay, hot ichiban, thai mayo at isa pang nakalimutan ko na.

Sa punto de bista ng isang nagmimintina ng kalusugan, masamang pagkain ang McDonald's. At kahit pa alam ko na ito, kumakain pa rin ako.

Sa punto de bista ng isang nagtataguyod ng organic farming at lumalaban sa corporatization ng pagkain, dapat itinitigil ko na ang pagtangkilik dito. Pero kumakain pa rin ako.

Mamatay sa nais. Mamatay sa hilig.

Naalala ko tuloy si Nanay noong sinasabi nya ito sa amin habang kumakain sya ng malalambot na buto ng manok. Matagal nangn yumao si Nanay mula sa cancer of the colon, 26 years na ang nakakaraan. Malungkot ako noong namatay si Nanay. Naalala ko pa rin sya at ang sinabi nya sa akin:

"Mamatay sa hilig."

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

mahilig ka pala sa inimbalsamong karne ...kaju

6:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

si mr rolando bartolome mesabi non'...nung my programa pa sya sa radyo ...kaju

6:03 PM  

Post a Comment

<< Home